Tuesday, September 7, 2010

Waiting Period Comes to an End

Sabi nila eto daw yung worst part after taking the board exam. Napatanong ako kung bakit. Ay oo nga naman, after mong pagdaanan lahat ng hirap sa pagrereview, eto na ka ngayon, nahirapan ka sa board exam, hindi mo alam kung papasa ka ba or hindi. Noong time na naghihintay pa ako ng resulta, habang tumatagal pahimbing ng pahimbing ang tulog ko. Hindi dahil wala akong kaba na nararamadaman. Given na yung kaba, pero naubos na yung takot at kaba na nararamdaman ko, wala naman maiidulot sa akin yun kaya nagtiwala na lang ako sa LORD na anuman ang mangyari, maganda o hindi, it is because of a purpose.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay. Ilang araw din akong babad sa computer, nakipagkita sa mga kaibigan, mga bagay na hindi ko nagawa during review. Haha. Pinagkaitan ako ng bakasyon e, kaya ayon inenjoy ko yung mga araw na naghihintay ako ng resulta. Nag-apply din ako ng trabaho, as usual call center, para naman atleast may nagawa ako during the waiting period. Hehe. Naranasan ko mainterview ng bonggang bongga sa mga callcenters, at gisahin sa sarili kong mantika sa mga walang kamatayang tanong about my course. Ayan ang mga pinaggagagawa ko while waiting for the result.

Then one time, pag online ko, mga end of July ata yun or first week of August. Yung friend ko nagchat sakin sa facebook, "August 22-25 tentative date of NLE results, Sept 20 oath taking" Biglang kumabog yun dibdib ko. As in parang sinuntok! Haha. Sabi ko, "Lord pwede ba kabahan, konti lang please?" Pero syempre hindi ko inentertain ung kaba. Hinintay ko yung date na yun. Mahimbing pa rin ang tulog ko. And faithfully waiting for the results. Sa kakaapply ko, natanggap ako for training, go na go ang lola mo, nagkumpleto pa ko ng requirements dun ha. Sept 3 Start ng training.

August 22 came, Sunday yun. Kung anu-ano na naririnig kong balita, kesyo may resulta na daw, lalabas na daw anytime, yung mga ganon. Ako hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sabi ko nun bago ko magtake ng board exam, hindi ako titingin ng result sa net, hintayin ko may magtxt sakin ng CONGRATULATIONS! or may tumawag sakin na bumabati na pasado ako sa board. Hindi ko natupad na hindi tumngin ng resulta sa net, simula linggo, August 22, nakaabang ako sa net, tambay ako sa nleresults.com, nagchachat ako dun, nageentertain ng anxiety ng ibang tao. I tried to lift their spirit na kung ano ang plano ng LORD paniwalaan namin. Ganon ang role ko dun. Gabi-gabi ako online, bago ko matulog check ko muna, tapos saka ko mag out pag wala pa talaga. Ah basta, mahimbing ang tulog ko, yun ang gusto ko. Isang araw sa kahimbingan ng tulog ko, 3:30am may tumawag sa akin, agad agad kong sinagot. "hello..sino toh?"....Tapos sumagot naman sya.. "Hello, si lester toh, yung textmate mo dati.." Men! Naloka ako. ang nasabi ko lang sa kanya, "Ano ba yan! Akala ko naman ibabalita mo na sa akin na pasado ako sa board exam! sinong lester?" Oh di ba? Nakakaloka naman na tunay! Haha..

Friday, August 27, nagpunta ako sa Munisipyo nun umaga para magtanong about sa NBI ko na mali ang spelling ng surname ko. Pag uwi ko, dating gawi, open ng laptop, facebook, tas nleresults.com. Magchachat sana ako, kaso ang una kong nabasa sa chatroom, "Loading na yung A, sana lahat tayo pumasa!" Kumabog muli ang dibdib ko. So nagclick agad ako sa A. Usually pagnagkiclick ako don wala nakalagay, pero this time may SURNAMES na, for real! Hindi ko alam ang gagawin ko, nagclick ako sa L to check my surname sana. Kaso pagclick ko, wala pang list, loading palang sa A. Biglang gumulo ang buhay ko. Nagchat ako sa friend ko sa FB kay john, sinabi ko sa kanya na may resulta na, at loading pa lang ang A, at ayoko tignan kasi kinabahan ako bigla. Sabi nya "sige, ako titingin," Nag-iisip pa ako kung titignan ko yung friends ko sa A. Kaso napaisip ako kasi baka makita ko sila tapos mastress ako kasi wala pa ung sakin. Kaso etong gwapong si John nagchat agad "LEN NURSE NA AKO!!" Lalo ako kinabahan. Dumating Mama ko, nakamotor, sakto, sabay sigaw ko, "MA! MAY RESULT NA! KASO WALA PANG L!". Tinignan ko yun friends ko sa A. ABALOS, pasado. Sabi ko "LORD, eto na yun matagal kong hinihingi, please.." Click ulit ako sa L. Meron na. This time ayaw ko tignan, namamanhid yung kamay ko, saka nanginginig. sobra. Sabi ko sa Mama ko ayaw ko magscroll, sya na lang tumngin. Kaso hindi din ako nakatiis, di ako kinaya ng kaba ko, hahaha. Sabay kami nagscroll pababa, at yun na! Dalawa LAGAZON, at nawindang na kami ever. Una denial pa ako, baka kasi mali yung tinitignan naming result. Haha. Nung may mga bumati lang sa akin saka lang nagsink in na, ATLAS! NURSE NA NGA AKO! THANK YOU LORD!


So iyon, NURSE na nga ako. Ang nakakatawa, hindi ako nagkaroon ng disturbed sleeping pattern, ngayong may resulta sa saka ako nahirapang matulog. Nagflashback yung mga iyak moments ko during review. At yung mga paghihirap, lahat lahat. Hahaha. Nakakatawa di ba. Ang buti talaga ng LORD. :D

God is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Does he speak and then not act? Does he promise and not fulfill? Numbers 23:19

No comments: