Sa lahat naman ng mararamdaman, eto yung pinakaaabangan ko, na dumating yung time na, wala na akong iniisp sa school, legal age, (pero right time ba?) RIGHT TIME BA TO FALL IN LOVE? Walang madali, mahirap lahat. Hahaha.
Kung babalikan natin ung mga patapon na storya ng mga nagustuhan ko noon, wala talagang istorya, paulit-ulit lang. Gusto ko, itinago, nalaman, di pinansin, deadma, wala. Kaibigan ko, gusto ko, inilihim, nasaktan, nagselos, wala. PARANG HINDI KRISTYANO! So lumipas ang mga panahon, as I walk my Christian life, nagbago rin yun approach ko about LOVE. Natutunan kong ipagkatiwala sa LORD yung taong para sa akin. Nakita ko kung ano yung dapat kong unahin. Nalaman ko kung sino yung dapat kong sundin at pakinggan. At higit sa lahat, natuto akong magtiwala sa LORD, na darating din ako sa stage na yun. Siguro hindi ngayon, malay mo bukas makalawa, nandyan na sya.
Not so me, natuto akong magpray sa LORD na icut nya ung feelings ko toward someone, kesehodang sya ang para sa akin o hindi, JUST CUT IT OFF! And in an instant sumasagot ang LORD sa prayers ko. Natuto ako kung paano magdecision when it comes to love. Natuto akong magsurrender sa kabila ng mapanlinlang na mundo. (naka naman!) hahaha.
Madaling sabihin na kaya mong maghintay, lalo na kung wala naman dumarating. Pero iba pala, pag may dumating, lalo na kung isa sa mga taong minsang isinurrender mo sa LORD na icut na lang un feelings noon. I never thought na magiging ganito kahirap para sa akin ang magdecision. Hindi ko naman na talaga sya gusto, ayun ang totoo noon. Pero as he laid all his intentions to me, nagulat ako, hindi ko naman inexpect yun lahat. As in LORD, hindi ko yun pinagpray. In my surprised, I immediately say NO. Kasi feeling ko hindi pa talaga right time, nag-aaral pa ako, at nag-aaral pa sya. Hindi ko gusto na ganon and I believe hindi rin gusto ng LORD. I have my list of priorities and hindi ko priority ang commitment.
Hindi ako umasa na maghihintay sya, matapos kong sabihin na wala talagang syang pag-asa. Lumipas ang mga araw, ang mga linggo at mga buwan, exactly 9 months simula non araw na yun, hindi ko alam ngayon kung ano ang nararamdaman ko. Sobrang ang hirap pala talaga, madaling sabihin dati na madali, kasi di ko nmn talaga alam ang pakiramdam, ngayon, eto ngayon yung sitwasyon ko, hindi ko alam kung ano. hahahaha.
Basta ang alam ko, merong SYA, merong AKO, pero walang KAMI. Masaya ako kung paano ko sya kinikilala sa mga panahong ito, ayaw ko namang maging mahirap sa akin ang lahat, ayaw ko din sya mahirapan, hayaan na lang natin kumilos ang LORD, kumilos nga sya noon e, WHAT MADE YOU THINK HE WONT MOVE THIS TIME? OFCOURSE HE WILL:))
Pag natuto na ako sa LORD na magtiwala ng BUO, at magmahal ng kagaya nya, wala ng halong pagdududa, SIGE, KAMI NA! Pero ngayon, maging masaya na lang muna tayo kung anong meron, walang ligaw ligaw, CASUAL FRIENDS MUNA. OK?
God bless! <3
-LEN-
No comments:
Post a Comment