Tuesday, September 7, 2010

A Week Before Actual Board

One week before board exam we were dismissed from our review center. So ano sa palagay nyo ang nararamdaman naming mga magtetake that time? Hahaha. Naloloka na kami. As in mild anxiety na ito. Hahahaha.. Ayaw ko na sana magreview nung buong isang linggo na iyon pero andami pa naming babasahin. Literal na marami. Ang kapal pa ng reviewers ko na balak ko sanang balikan ulit kasi hindi ko natapos basahin, but then I was not able to finish everything. Sumuko yung neorons ko, nagcollapse yata. Ahaha. :)

When I got home, sa hometown ko, in Tanay, I stayed in my Tito's extra room sa kabilang bahay. Plano ko na talaga mag-stay dun, para makapagconcentrate ako sa buong isang linggo before board exam. Doon lang ako sa kwarto, nagbabasa ng mga reviewer, minsan sinasamahan ako ng bunso namin pag wala sya pasok the next day. Kukunin nya din yun mga lessons nya, tapos sasabayan nya ko mag-aral. Tas pag tulog na sya, magigising yun in the middle of the night, titignan lang nya ako kasi di pa ko natutulog. Kape lang naman katapat ko para hindi antukin, pero antok talaga ang pinakamahirap kong nilabanan, SWEAR! hahaha. Pero nagfefacebook din ako noon. At nagtetxt. Limitado nga lang. 

Naalala ko sabi ng kapatid kong babae, "Ate ayaw ko pumasa ka, gusto ko mag-top ka!" At naloka ako dun. Seryoso sya, natawa nga ako e. Sabi ko dapat ipagpray nyo ko lagi para mangyari yun gusto natin. Tapos yun bunso kong kapatid, he prayed for me out loud, a short prayer from a sincere heart. Sobrang natuwa ako sa kanya non. 

One night, nagpunta si Liet sa bahay, ewan ko ba ano naisip nun at napasyalan ako. She's my high school friend na magtetake din ng board, just like me. Napag-usapan nga namin na sana board exam na para matapos na lahat ng hirap sa pagrereview at sasabog na talaga kami. Kaya nagpapasalamat ako ng sobra sa LORD kasi he equipped me with verses to hold on. Faithful un nagpromise kaya nagtiwala ako. "Therefore, my dear brothers, stand firm. Let nothing move you. Always give yourselves fully to the work of the Lord, because you know that your labor in the Lord is not in vain.1 Corinthians 15:58. God is just and alam ko nakikita nya yung effort ng bawat isa sa pagrereview just to give glory to His name. Nakakabless tong verse na toh kasi kahit anong pagod at hirap ko sa pagrereview, secured ako that my labor in the Lord is not in vain. Basta you're doing it for the Lord walang masasayang, worth it lahat.

Two days before the actual board, may closed door review pa kami kaya nagkitakita pa kami ng super friends ko na magtetake din. Nakapagreview pa nga kami ng sabay ni Jecai one time, and natatawa kami kasi pag may tinatanong kami sa isa't isa tapos di namin alam ang sagot, pareho kami ng sinasabi, "Hindi yan lalabas sa board". Natatawa na lang kami. Hahaha.

Nung gabi before board exam, andaming nagtxt sakin, sobrang andami, people who prayed for me, who believed in me. At sorry talaga kasi hindi lahat nareplyan ko, wala ako contacts that time. Pero isa lang pumasok sa isip ko nun, malamang sa malamang, mas marami matatanggap kong text paglabas ng result, at syempre congratulations yun! hehehe. 





Board exam came. Ang aga, 6am nandun na ako sa Central Colleges of the Philippines, dun ako nag exam. Wala ako masasabi about sa dalawang araw na nagexam ako, naubos na yata ang kaba ko, pero sobrang nahirapan ako sa exam. 2 hours per set yun exam namin, 3 sets sa first day, 2 sets sa second day. Natatapos ko yung exam ng 1hour sa questionnaire tapos magseshade ako ng mga 45 minutes yata yun. Pero bago ko magshade magpepray muna ako kasi di ako sigurado sa mga sagot ko. Parang ayaw ko magshade. Haha. Tapos every after ng exam ko, lalabas ako ng room, itetext ko Mama ko, para sabihing halimaw yung board exam. Haha. Halimaw talagaaaaa!

Pag-uwi ko, ayaw ko kausapin ang mga tao about board exam, SUPPRESSION ITO! Walang magtatanong. Bawal ako kausapin about board exam. Mamamatay ang magtatanong! Hahaha. Ang lagi ko lang sagot, kung will talaga ni Lord na maipasa ko yun, papasa ako. Let's see. :)


I have done my part. Alam ko kikilos ang LORD. "The Lord will fight for you, you need only to be still." Exodus 14:14. Trust His plans. It's perfect! :)


No comments: