Thursday, November 4, 2010

MY TREASURE

Bigla na lang pumasok sa isip ko na ang laki ng pasasalamat ko sa LORD with this life of mine. Sa maraming aspeto sobrang nagpapasalamat ako, sa lahat ng bahagi ng buhay ko. Akala ko hindi ako darating sa ganitong point ng buhay ko. Simula ng isurrender ko lahat sa Lord ang buhay ko, as in wala akong itinira, we patienlty worked for everything. And I believe this life of mine is a long long process and God is still at work in me.

Isa sa mga ipinasasalamat ko ay ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan. Hindi lang basta matawag na kaibigan. As in kaibigan, trusted friends. Mga kaibigan ko na simula noon hindi ako inwan, simula noon pinapasaya na talaga ako. Hinding hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila bilang mga kaibigan ko. Hindi naman din sila perfect just like me. Swak nga yung mga kahinaan namin. Nagtutulungan, nag-iintindihan.

Siguro may mga time na hindi kami nagkakaintindihan. Bahagi yun ng samahan, para patuloy na maging matatag. Ang nakakatuwa, God keeps us together, sya yung nagbind sa amin. Minsan nga napapaisip ako kung bakit ang dami nila na pinagkwekwentuhan ko ng buhay ko. Narealized ko, God made me this way, madaling mag-open up, madaling magshare ng stories kasi marami silang ibinigay ng Lord sa akin para pagkatiwalaan ko.

Si Jecai at si Jhave, silang dalawa yung I consider more than a friend. As in nagpapasalamat ako for having them both. Hindi sila nagsawa makinig sa mga kwento ko, kahit pailut-ulit. Lalo ngayon na hindi na kami nagkikita, namimiss ko na yung mga unending kwento at chika namin. Yan yang dalawang yan kahit anong sabihin tinatanggap ko, maganda man o pangit. ayun yung mga totoong kaibigan, sasabihin sayo yung mga mali hindi lang yung mga tama mong ginagawa. Kaya mahal na mahal ko yang dalawang yan.

Si Liet, Si Ite, Si Cherry, Si Ching. Yang apat na yan ay mga kabigan ko nung hayskul, kaming apat ang nagpatuloy na lumakas kasama ang Lord. Nagpatuloy kami magtiwala sa mga kayang gawin ng Lord sa buhay namin. They are my friends, my sisters in Christ. Ang laki ng saya ko pag naiisip ko na meron akong kaibigan na kagaya nila, anytime pede mo puntaha, kausapin or kahit ano. Sobrang yung salitang KAIBIGAN, sila yung magbibigay ng kahulugan. I love them so much.


Si Jamie, marami kaming kwento nito. Kahit na magkapitbahay lang kami, sobrang andami namin palaging kwento siguro kasi hindi nmn kmi araw2 nagkikita. Kaya kapag nagkikita kami naiipon yung mga kwento. Natutuwa ako sa kanya kasi hindi sya nahihiya na aminin na mahina sya, na tao lang sya na ang LORD lang ang mkpagpapalakas sa kanya. Siguro sa harap ng mga classmate nya, she's someone na mataray, matapang, masungit, taklesa.. and so on. Yes she is. Pero may part din sa puso nya na gusto nya talaga magbago, na gusto nya makita ng tao na may LORD sya sa buhay nya. Sobrang naappreciate ko yung humility nya, na kahit mapride sya, at nahihirapan sya magbago, tinitiis nya, just to give glory to HIS NAME. Hindi ako magsasawang makipagkwentuhan sayo Jamie:)

Si Joan, hindi na kami nagkikita nito, sobrang namimiss ko na tong taong toh. I look up this girl so much. Kaya nga lagi nya ako nireremind na taong pa din sya, na darating yun time madidisappoint nya ako, kaya dapat sa LORD ako magfocus, para walang disappointments. Naamaze lang ako sa pagseserve nya sa LORD. Nakakainspire. Sobraaa. At yung mga payo nya, yung mga salita nya, filled with Holy Spirit talaga, pumipitik pitik. hahaha. Gustong gusto ko pag pinapagalitan nya ako, pag sinasabi nya namali ako. Natutuwa ako kasi there's someone na matiyaga na ituwid yung mga pagkakamali ko. Hayyy. I miss this girl.

Si Reah fe, ang napaka attentive kong kaibigan. Palagi din syang ready to listen sa mga stories ko, kaya nga lab na lab ko yan e. Hindi nagsasawa makinig sa mga kwento ko, napakabait na bata. Fan na fan ko yan sa love stories ko na wala naman kwenta yun pinaguusapan namin. hahhaha puro crush ko lang. hehehe. at saka pala ung pag-ibig nya. Ay. nakakamiss,

Si Inday, malaki din ang naging part nya s abuhay ko. She's someone I can lean on. Anytime pede ko itxt, makausap, puntahan sa bahay nila, sa trabaho. Sya yun taong alam mo na hindi ka iiwan, na kaibigan talaga ang tingin sayo. May pinagsasamahan, alam mo yun, kahit napakadaming kaibigan, alam mo may babalikan ka talagang isa. Ayyy. Thanks inday!:))


ILAN PA LANG SILA SA MGA KAIBIGAN KO NA SOBRANG MAHAL NA MAHAL KO, NOT TO MENTION MY DBARKADS, ZHEI, BIANCA, LAARNI. MY RTU-CC FRIENDS, CELICA AND JULIE, EDRICH AND BOB.. YAN ANG MGA TAONG KASAMA KO SA CHRISTIAN WALK KO AT SA BUAHY KONG PUNO NG KWENTO.

SO LET US LEARN TO TREASURE OUR FRIENDS. AND LET US BE A GOOD FRIEND TO EVERYONE. I LOVE YOU GUYS! GOD KNOWS THAT. GODBLESS!

SPILL IT OUT

So many words, so many thoughts
All cluttered in my mind.
I don't know how to say it all
But grateful to have my Savior, for me to call.

Not so struggled, for I know God allowed it to happen
As the Bible say, "All things work together for good for those who love Him"
So I will keep on trusting and praising His name
For there is none like Him who will love me the same.

God is enough, and he will forever be.
People may disappoint me,
But my God will remain faithful to me.
Loving the imperfect me, so dearly.

As I walk this Christian path,
Things will remain uncertain to my sight.
Indeed thankful for I live not by my sight
But through my faith, I will fight.

I will keep it on, keeping it on...
For He is my rock that I can lean on.
Thru good times and bad times
God's light in my life will forever shine.



-Len

OUTSPOKEN ME

Yes, si Len outspoken. Lahat ng gustong sabihin, sasabihin. Pero syempre nag-iingat din ako sa mga sinasabi ko, SPEAK LIFE :) Powerful kasi yun dila natin. Ayan ay isa sa mga natutunan ko.

Minsan na akong naging hindi maingat sa mga sinasabi, kung bakit nangyari yun e Lord na lang ang nakakaalam. May plano sya e. Ang maganda I can clearly see how He moves in me. And that thing amazed me a lot. Ayaw ko nang tanungin ang Lord kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay, hindi naman nya kasi papahintulutan without His plans on His mind. I will just be grateful, good or bad.

I remember a text message that I received several days after Valentine's day just this year. It goes like this, "What did you do last time that you did for the first time?" I replied to my friend with "Going out with someone I used to like, whom I never thought would dare to ask me out".

Let me explain. Hindi naman ako basta sumama, nag-isip din ako at kumunsulta sa mga kinauukulan kung tama ba na sumama ako sa kaibigan na yon, ok lets call him Dee. Ang sobrang pagkakamali ko lang, hindi ako nagsabi sa parents ko, kahit man lang isang text. [pero ipagtatanggol ko ang sarili ko, sinabi ko naman, after nga lang, bad len ):]

Ayon. Sa buong buhay ko naman never naman ako lumabasa with someone, yung kami lang. Sumama ako for the sake of friendship, that was in my part, ewan ko yun part nya kung bakit nya ako niyaya. And at some point gusto din maging malinaw ang lahat. Kasi babae ako, marunong makiramdam, para mabawasan na din un iniisip ko simula nung nagkakilala kami. Basta ayun, sumama ako nung Feb 14, 2010.

Bago ang lahat, si Dee pala ay isang kaibigan, nakilala ko sya sa church, siguro mga April 2009. Naging mabuti naman kaming kaibigan. Ang totoo nga nyan, attracted ako sa kanya noon. Pero sinurender ko yun feelings ko sa Lord kasi alam ko mali, na dapat brother in Christ ang tingin ko sa kanya. At saka, minsan kasi hindi ko din gusto yun mga kilos nya na parang sweet xa sa aming magkakaibigan na babae. E siguro sweet nga xa talaga. Sa lahat nga lang. Bakit? Para unang bumigay, yun ang ipupursue nya? Ay ayaw ko. Ayan nmn e mga predictions ko lang, likha ng makabuluhang pag-iisip ni Len. Ayun, nagkagusto at nawalan ng gusto si Len ng hindi nya nalaman. :) MAHUSAY!

Back to Feb 14. Nung nagkita kami, kinakabahan ako. Parang gusto ko magtanong kung bakit, anong meron, bakit ako, bakit hindi sila. Kaso naisip ko dapat sya un mag explain. hahaha. So tahimik lang ako.
Wala nmn kaming klaro na pinag-usapan, naguluhan pa nga ako. Not so me, he tried to hold my hands pag tumatawid,, naasiwa ako talaga. Naiinis. Pero at the back of my mind may sense of security. Confusing huh. Wala naman xa sinasabi na gusto nya ako, feeling ko nga before yun friend ko yung gusto nya, tapos ngayon hahawakan nya yun kamay ko, may akbay portion pa ha, ambilis ko talaga maglakad. Kaya pag uwi super badtrip ako kasi hindi ko inexpect na ganon. Hindi ko din alam bakit affected ako, bakit ako ngagalit, na hinawakan lng yun kamay ko, inakbayan lang ako, o anong problema ko? Pinilit kong intindihin, sinabi ko sa kanya na hindi ako natuwa sa ginawa nya. Sinabi ko sa mga kaibgan ko, may mga ibang nakaintindi kung bakit galit ako, may iba nagtataka so what?

Lumipas ang ilang buwan, marami na ang nangyari, nakagraduate na ako, nakapasa na ako sa board exam, nagtatrabaho na ako sa hospital pero wala pang sweldo, hahaha. Hindi ko sya pinayagan manligaw. Sa kabila ng mga kanta na isinulat nya para sa akin, sa mga tawag sa cellphone during review, sa pag-attempt na makita ako, na kahit nadisappoint nya ako nung unang labas namin, sa lahat. Pinili ko na huwag na ako, kahit na konti na lang papayag na ako magpaligaw. Nameet nya yung qualification ko ng hindi nya nalalaman. Sinabi ko AYAW ko kahit halfhearted ako. I guess ginusto din ng LORD, dahil kung kami talaga, kahit gaano pa katagal, magtatagpo ulit kami.

Ngayon, nabalik na sa akin un book ko, I Kissed Dating Goodbye by Joshua Harris. Naremind ako about setting high standards. Kaya pala sobrang nadisappoint ako sa holding hands at akbay portion kasi wala yun sa standard ko. Too soon yun. Not good. Pero naayos ko na yun, nasabi ko na yun sa kanya. Hindi ko din inexpect na magiging mahirap s akin sa bandang huli ang magdecision kung magpapaligaw ako o hindi. Pero mabuti ang LOrd, He decides for me, he gives me wisdom to decide.

I have decided to continue our friendship. Mahaba pa ang panahon, kung kami talaga, kami, walang makakapigil nun, magpapalakas muna kami sa LORD, kaya pa namin maghintay.

SEE YOU IN GOD'S PERFECT TIME:))

Wednesday, November 3, 2010

IKAW.AKO.wag munang TAYO :)

Sa lahat naman ng mararamdaman, eto yung pinakaaabangan ko, na dumating yung time na, wala na akong iniisp sa school, legal age, (pero right time ba?) RIGHT TIME BA TO FALL IN LOVE? Walang madali, mahirap lahat. Hahaha.

Kung babalikan natin ung mga patapon na storya ng mga nagustuhan ko noon, wala talagang istorya, paulit-ulit lang. Gusto ko, itinago, nalaman, di pinansin, deadma, wala. Kaibigan ko, gusto ko, inilihim, nasaktan, nagselos, wala. PARANG HINDI KRISTYANO! So lumipas ang mga panahon, as I walk my Christian life, nagbago rin yun approach ko about LOVE. Natutunan kong ipagkatiwala sa LORD yung taong para sa akin. Nakita ko kung ano yung dapat kong unahin. Nalaman ko kung sino yung dapat kong sundin at pakinggan. At higit sa lahat, natuto akong magtiwala sa LORD, na darating din ako sa stage na yun. Siguro hindi ngayon, malay mo bukas makalawa, nandyan na sya.

Not so me, natuto akong magpray sa LORD na icut nya ung feelings ko toward someone, kesehodang sya ang para sa akin o hindi, JUST CUT IT OFF! And in an instant sumasagot ang LORD sa prayers ko. Natuto ako kung paano magdecision when it comes to love. Natuto akong magsurrender sa kabila ng mapanlinlang na mundo. (naka naman!) hahaha.

Madaling sabihin na kaya mong maghintay, lalo na kung wala naman dumarating. Pero iba pala, pag may dumating, lalo na kung isa sa mga taong minsang isinurrender mo sa  LORD na icut na lang un feelings noon. I never thought na magiging ganito kahirap para sa akin ang magdecision. Hindi ko naman na talaga sya gusto, ayun ang totoo noon. Pero as he laid all his intentions to me, nagulat ako, hindi ko naman inexpect yun lahat. As in LORD, hindi ko yun pinagpray. In my surprised, I immediately say NO. Kasi feeling ko hindi pa talaga right time, nag-aaral pa ako, at nag-aaral pa sya. Hindi ko gusto na ganon and I believe hindi rin gusto ng LORD. I have my list of priorities and hindi ko priority ang commitment.

Hindi ako umasa na maghihintay sya, matapos kong sabihin na wala talagang syang pag-asa. Lumipas ang mga araw, ang mga linggo at mga buwan, exactly 9 months simula non araw na yun, hindi ko alam ngayon kung ano ang nararamdaman ko. Sobrang ang hirap pala talaga, madaling sabihin dati na madali, kasi di ko nmn talaga alam ang pakiramdam, ngayon, eto ngayon yung sitwasyon ko, hindi ko alam kung ano. hahahaha.

Basta ang alam ko, merong SYA, merong AKO, pero walang KAMI. Masaya ako kung paano ko sya kinikilala sa mga panahong ito, ayaw ko namang maging mahirap sa akin ang lahat, ayaw ko din sya mahirapan, hayaan na lang natin kumilos ang LORD, kumilos nga sya noon e, WHAT MADE YOU THINK HE WONT MOVE THIS TIME? OFCOURSE HE WILL:))

Pag natuto na ako sa LORD na magtiwala ng BUO, at magmahal ng kagaya nya, wala ng halong pagdududa, SIGE, KAMI NA! Pero ngayon, maging masaya na lang muna tayo kung anong meron, walang ligaw ligaw, CASUAL FRIENDS MUNA. OK?

God bless! <3

-LEN-