Tuesday, September 7, 2010

Buhay Kolehiyala ;]

Trust in the LORD with all your heart 
       and lean not on your own understanding;


 in all your ways acknowledge him, 
       and he will make your paths straight. 
Proverb 3: 5-6

Unang tuntong ko pa lang sa college ayan na talaga ang life verse ko. Nung una mahirap para sakin na magtiwala sa Lord pagdating sa school. Sino bang hindi nangopya sa atin? Sige nga, hahanga ako talaga kung simula grade 1 hindi ka nangopya kahit isang beses. Aminado naman ako na naging gawain namin ang magkopyahan lalo na nung high school. Pero mabuti ang Lord at kaya nya tayong baguhin. Nung nagcollege na ako, pinag aralan ko na mabuti na magtiwala sa Lord, mula sa mga short quizzes hanggang sa mga major examinations. Kumikilos ang Lord sa paraan na hindi natin nakikita. Napatunayan ko yan simula ng ipagkatiwala ko sa Lord ang buong college life ko.

Hindi ako matalino, masipag siguro. Nag aaral ako sa abot ng aking makakaya. I make sure nagreview ako before sumabak sa exam. Hindi biro ang course na kinuha ko. I took up Bachelor of Science in Nursing. Nung una, mga first year of college, pag may nagtatanong sa akin, "kumusta nursing? mahirap ba?" Nakakasagot ako agad, "sakto lang, basta nagaaral ka, mabubuhay ka" Pagtuntong ko ng mga major subjects ko, ngiti na alng ang kaya kong isagot sa mga taong pilit kinakamusta ang pagaaral ko. Sa totoo lang kasi, sa Lord lang ako umaasa nun mga panahon na yon. Mahirap makipagsabayan sa mga tao sa paligid mo, kopyahan dito, kopyahan doon. Natutuwa ako sa mga taong pareho ng prinsipyo ko, na ang pangongopya ay hindi susi para makapasa, kundi ang pagtitiwala sa Lord na kaya ka nya ipasa basta gagawin mo ang parte mo. Hindi naman sya madamot, ibibigay nya kung ano ang para sa atin.

Yung mga scores natin sa exams, mababa man o mataas bahagi yan ng college life, pasasaan at malalagpasan din yan. Kung mababa, o sige, iyakan mo. Pero matuto tayong magsikap na sa susunod pagbubutihan natin. Kundi man natin naachieve yung score na gusto natin, huwag tayo malungkot kung ginawa naman natin ang best natin. Yan ang isang bagay na nagpapakalma sakin every after exam ko nung college. For as long as alam ko na ginawa ko yung part ko, ano man ang maging score ko nagpapasalamat ako sa LORD. Hindi nyo alam kung ilang gabi ang iniiyak ko sa lahat ng exams ko. Totoo! Umiiyak ako sa exams ko, iniiyak ko sa LORD lahat lalo pagnahihirapan talaga ako, kahit na ginawa ko yung part ko minsan naawa ako sa sarili ko sa score ko. Pero ang LORD lagi nya ko pinapalakas, everytime na naghihina ako. Di ba sabi nya, "That is why, for Christ's sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong." 2 Corinthians 12:10

Sobra yung pasasalamat ko sa Lord sa buong buhay ko simula nung tinanggap ko sya as my Lord and Savior. Hindi ko maimagine yung buhay ko bilang estudyante ng hindi ko sya kasama. Patuloy akong magtitiwala sa Lord kahit na ano pa ang dumating sa buhay ko. Dahil naniniwala ko, ang mga bagay maganda man o hindi, nangyayari yan kasi may plano ang Lord.

No comments: