Tuesday, September 7, 2010

Board Exam Preparations


Wala sa school. Wala sa review center (but Im more than grateful to Mr. Ray Gapuz, he inspired me a lot and had learned many things from him.), wala sa tao, majority nasa will ng LORD. Malaki ang naitulong sa akin ng mga verses na nagpatibay sa akin during my preparation for board exam, kaya ilalagay ko din dito para makatulong sa inyo lalo na sa mga magtetake pa lang.

Im not saying na gayahin nyo kung ano ang mga ginawa ko during my preparation for Nursing Board Exam. What I am trying to say here is kung papaano kumilos ang LORD sa buhay ko at patuloy na ginabayan ako as I go through with different issues in life lalo na nung nagtake ako ng board exam, and most especially the waiting period.

I was reading in Genesis when God spoke to me, what He said to Abraham really amazed me, "I will make you into a great nation and I will bless you; I will make your name great, and you will be a blessing." Genesis 12: 2. Sabi ko sa Lord nun time na yun, "Lord, I will make your name great through my board exam, para malaman ng mga tao na totoo ka, na ikaw lang yun reason kung bakit ako papasa sa board exam or even top the board." (e di syempre pangarap ko ring mag-top, wala namang imposible sa LORD. :D)




Less than three months kami nagreview for board exam, hindi pa kasali yung in-house review namin nung 4th year, napurga ko sa lessons namin noon. Pero sulit naman. Mas ginusto ko lumipat ng dorm near SM Manila kung saan kami nagrereview para less pagod sa byahe sa Mandaluyong. Kahit na nahirapan akong kumbinsihin ang mga magulang ko, at iniyakan ko pa sila para lang makalipat ako, salamat sa Lord at pinahitulutan din ako. Walking distance lang yun from our Review Center. Araw-araw papasok, 10:30-3:30 lang schedule nmin that time, pag-uwi sa dorm, magbibihis, mag-aaral ulit, minsan matutulog muna bago mag aral, tapos kakain, ,mag-aaral, tapos quiet time, gigising maaga para mag-aral, maliligo by 9:00am, 10:00am paalis na ng dorm. Paulit-ulit lang araw-araw kaya nauumay ako. Yaan din ang iniiyak ko sa LORD kais napapagod na ako. Paulit-ulit na lang. Pero sabi ko sa LORD, pagtyatyagaan ko toh, kahit ang hirap, matapos lang tong board exam na ito, magdiriwang ako talaga. TALAGAAAA!






Marami akong sinakripisyo makapagfocus lang sa board exam, dahil alam ko, ayun din ang gusto ng LORD. Hindi ko naman sinasabi na sobrang sipag kong mag-aral, ayan kasi yun sinasabi ng mga tao sakin, ang aking lang, pag-aaral na lang ng mabuti yung magagawa ko para maipasa ko ang board exam, i know that i have God, and i am faithful, but let us be reminded, "For as the body without the spirit is dead, so faith without works is dead also." James 2:26. Let us learn how to walk our talks! Hindi pwedeng faithful ka lang, kailangan kumilos ka din! That's what keeps me moving, na kailangan kong mag-aral ng mabuti kasi mahal na mahal ako ng LORD at ipapasa nya ko sa board exam. You won't believe me kung papaano ako nagtiwala ng bongga sa LORD. As in review pa lang Board Passer na ako! :)

Pinakamahirap kalaban sa lahat ay ang sarili mo. Yung mga thoughts na.. "Waaa..ipapasa ko ba talaga yung board? e yung exam nga sa review center di ko maipasa!" Syempre nilalabanan ko yang mga ganyang thoughts. Sabi ko sa sarili ko, wala akong karapatang kwestyunin ang kakayahan ng LORD, tao lang ako, Diyos sya, sinong may karapatan para limitahan ang kakayahan Nya? Wala di ba? So I stayed calm the best way I can. Hahaha. I learn how to trust God with His plans, His great plans. He gave me the confidence, the strength, the knowledge and the wisdom. Lahat yan kay LORD mo lang makikita, complete package! :)

Minsan nga may mga thoughts pa ako na.. "e pano pag ako lang ang bumagsak tapos lahat ng friends ko pumasa na?" Yan yung mga pilit ibinubulong sa akin ni Satan, buti na lang talaga I have God with me, kaya alam ko din kung paano sya aatakihin in return. Sabi ko kay Satan "E yung nga ibang mga board takers na unbelievers, petiks lang, ako pa ba kakabahan? E Jesus died for me." Hindi naman mananalo si Satan sa buhay natin, basta wag natin syang hahayaang ilubog ang buhay Kristyano natin. We have GOD, and HE is more than enough.




Ang masakit na katotohanan ay ang kung papaano ko iniiyak ang mga scores ko during our review. Sobrang ambaba kaya ng self-esteem ko, hindi ko ma-meet yung target score ko. Naman kasi naman, ang hirap talaga ng exams. Gusto kong hilahin ang araw para board exam na para matapos na lahat lahat lahat. NAPAPAGOD NA KASI AKO. Pero sabi sa Jeremiah 32:17, “Ah, Sovereign Lord, you have made the heavens and the earth by your great power and outstretched arm. Nothing is too hard for you." Kaya ng LORD kahit di ko na kaya! ;]

During those times, eto yung prayer ko, "Lord, kung anoman ung will mo para sa akin, tatanggapin ko, kasi alam ko ayun yun best for me. Hindi ko pagdududahan ang plano mo LORD, pero alam ko ipapasa mo ako, pero kung hindi man, tulungan mo ko LORD na tanggapin ang resulta. Basta gagawin ko yung dapat kong gawin. Ikaw na bahala LORD. In Jesus' name, AMEN"

1 comment:

reb benavidez said...

woah. sobrang nabless po ako nung nabasa ko itong blog post nyo.. 2 days nlang board exam ko na.. Amazing talaga ang Lord kasi He made me google search the words "board exam preparation" at isa po sa mga lumabas na link is this site..:) i feel I'm prepared na for the exam pero aaminin ko po,, may mild anxiety na as of today.. haha.. I've been reading His Word today and I've been praying na din na tulungan Niya akong mawala ung kaba at anxiety. Praise God na ginagamit ng Lord yung blog nyo to encourage others. Eto talaga ung kailangan kong mabasa as a preparation.. masaya ko na nbasa ko po itong testimonial mo.. its not really the books, not the review center, hindi rin sa sariling kakayahan kundi sa kabutihan ng Panginoon. God bless po ate..

tamaaa! ganun din po pinapaisip sakin ng Lord, kung yung mga unbelievers relax lang,, bakit ang Kristiyano mangamngamba? talangang this is a question of: How much do you trust Your God?