Bebsy ko, hindi ko alam kung sa anong paraan ko sasabihin sayo lahat ng gusto kong sabihin. Hayaan mo na gawin ko ito sa pamamagitan ng sulat na ito.
Be, salamat. Hindi man sapat pero salamat. Maraming salamat sa higit isang buwan na nilaan mo para makasama ako sa aking bakasyon. Simula ng umalis ako last year, I always look forward to seeing you and to be with you the soonest. Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi pinayagan nya ako makauwi hindi after 2years, hindi din after a year, kundi exactly after 11months since we last saw each other. Alam natin pareho na walang wala tayo sa harap ng Panginoon if not because of His grace, but Im grateful that during this season of my life ikaw yun kasama ko. Hindi perfect, pero alam kung ano ang dapat itama at alam kung anong ang mali sa tama. Thank you be sa labis na pagmamahal mo sa akin.
Nagpapasalamat ako kasi ang selfless mo magmahal tapos ako selfish. Ang generous mo tapos ako madamot. Thank you for always showing me your love on your own simple yet lovely ways.
Thank you kasi sa loob ng dapat 30 days lang na bakasyon ko hindi ka nasawa na puntahan ako mula sa Pasig kung saan ka nakatira papunta sa amin sa Tanay araw araw pagkatapos ng trabaho mo. Nagkaron ako ng problema pabalik nun 30th day ko dito at unexpected ang pag extend ko ng isang linggo pa. Akala ko hindi mo na ako pupuntahan kasi 30 days lang ako dapat pero naextend din ang pagod at effort mo na puntahan ako.. Araw araw. Walang palya. Minsan pa nga hindi na tayo nagkikita sa gabi kasi gagabihin ka ng husto dahil nag attend ka pa ng service sa Fort, pero secured ako pag gising ko papunta ka na sa bahay galing kina Nanay. :) or sa salas ka natulog kasama ng mga kapatid ko tapos magkikita na lang tayo pag gising ko mula sa kwarto ko. Alam ko un pagtitiis mo, yung paghihintay mo sa tamang panahon natin at malapit na yun. Salamat sa tapat na pagmamahal sa kabila ng masama kong ugali tinanggap at minahal mo pa din ako.
Be, aalis na ako bukas. Ihahatid mo ako. Tapos balik ulit tayo sa Facetime, WeChat at Facebook ng isang taon pa tapos God's willing mag eexit muna ako para sa kasal natin. I will be praying with you kung ano ang plano ng Lord sa atin. Kung makakasunod ka sa Jeddah or ano ba. Hindi ko alam. Basta magtiwala lang tayo sa Lord na maganda ang plano nya para sa atin. We just need to obey kahit maging gaano kahirap. Magkasama tayo dito. This is our battle. Together with the Lord.
Ayoko na sana umiyak kasi take 2 na ito ng alis ko. Pero naiiyak pa din ako. Mamimiss kita. Alam ko mabilis lang ang isang taon. Hihinayon kita makusond ha. Kung hindi man, hintayin mo ako makabalik. Naging sobrang masaya tayong magkasama ngayon, mas magiging masaya tayo next year dahil ikakasal na tayo. :) The Lord will surely provide for us. Pagpray mo ako palagi ha. Pagpray mo tayo. Mag iingat ka palagi. Huwag ka magpapaulan. Magvisit ka kay Dra. Sa St. lukes para sa certificate na hinihingi mo. Tapos yung passport mo balitaan mo ako at pati sa mga application mo balitaan mo ako.
Palagi mo ako imemesage sa facebook or sa wechat, palagi mo ako tatawagan. Pro kagaya ng palagi mong sinasabi mahal mo ako kahit minsan hindi on time ang mga message mo sakin wala akong dapat isipin dahil kahit anong mangyari magiging tapat tayo sa isat isa. Masaya ako kasi ikaw ang boyfriend ko noon na fiance ko ngayon at husband next year and syempre ang magiging Tatay ng mga magiging anak ko. Beeeeeeeeeeee! I love you! Kiss ng madami at yakap ng mahigpit! Thank you for always waiting for the right time. IT WILL ALWAYS BE WORTH THE WAIT!!! I PROMISE YOU!!!
I love you be! Im looking forward to waking up each morning with you by my side. :) Konti na lang mapupuntahan na natin lahat ng gusto natin puntahan without restrictions and with complete freedom! Konting hintay na lang... Mabuti pa din ang Lord!
Ingat ka palagi. Mwuaah!😘😔
Love lots,
Len.


No comments:
Post a Comment