SMP. Samahan ng Malalamig ang Pasko. Mabenta tong lines na toh from a certain commercial on TV. Aba kailan ba naging mainit ang pasko? Summer na ba ang Christmas ngayo? E makapag-two piece pala kung ganon. Haha.
Christmas is all about Jesus. Ano namang kinalaman ng init at lamig sa pasko? Siguro nga kasi its on how people think, na minsan nakakalimutan na nila ang true meaning ng Christmas. Minsan nga ang Pasko wala na lang sa mga tao. They consider it as a regular holiday, or worst is an ordinary day. Sana maisip ng mga tao kung bakit may pasko. At maisip din ng lahat na kung hindi ipinanganak si Jesus, e hindi tayo masesave sa mga kasalanan natin. Sounds weird? TOTOO YUN.
Ang nakakaloka pa, big deal sa mga tao kung committed ka or hindi lalo na daw ngayong magpapasko. Nilipat na din ba ang Valentine's Day ng December? Sabay na ba ng Pasko? hahaha! Oh talagang nagsusuktan lang ng init at lamig ang mga tao with their partners in life? Aba! Kelan pa naging blanket yang mga karelasyon nyo at napapainit nila ang pasko nyo? Haha. Pambihira!
Pero to be honest, isa ako sa mga nabiktima ng idea na magboyfriend before Christmas. Im not saying naman na para uminit ang Pasko ko e gagawin kong blanket yun taong gusto ko. Ang akin lang napaisip lang din ako na ano nga kaya magpalit na ako ng status, from single to in a relationship. Kung ganon man, nagkataon lang din siguro na ngayong magpapasko ako napaisip kung papayag na ba ako na magpaligaw with this friend of mine. Sobrang lagi kong tinatanong ang Lord kung tama ba tong gagawin ko, kung tama na ba na magdesisyon ako. Im not in a hurry, never ko namang ni-rush na mainlove. E ako pa ba magrarush e NBSB nga ako. di ba may point ako? Haha. Nakapaghintay nga ako ng 21 years na walang boyfriend, nakuha ko pa ang license ko as a NURSE nang hindi nagcocommit, so I can prove to myself na God giave me this ability to patiently wait for the right time.
Let just see kung anong mangyayari, after kong sabihin sa Nanay ko na gusto pumunta nitong kaibigan ko sa bahay namin para magpaalam na liligawan ako, at pagkatapos sabihin ng Nanay ko sa Tatay ko na I have this someone nga na willing sila kausapin, tignan na lang natin. Kung nahihirapan sya na papayagin akong ligawan nya, magiging madali ba kapag inuna nyang ligawan ang mga magulang ko? Hahaha! LET'S SEE! :))
Pwede namang simulan ng tama di ba? E di ligawan mo parents ko, para makuha mo ang matamis kong OO! haha! :))
No comments:
Post a Comment